Loading...

Breaking News

Imbes na tsugihin sa ere Sunday All Stars may malaking pagbabago.!

Last year ay lumabas ang balitang balak na tapusin ang programang Sunday All Stars na kinabibilangan nila Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Janno Gibs, Jaya at Regine Velasquez pero hanggang ngayon ay buhay parin ang naturang programa.

Ang tsika nga na imbes tsugihin ito sa ere ay balak na lang ireformat ang Sunday All Stars dahil anumang araw ngayon ay mararamdaman na ito ng mga taga produksyon.

Kung ikukumpara ang programang Sunday All Stars sa katapat nito ay walang-wala ito sa ASAP 19 dahil mas pinakatutukan at pinag-uusapan ito sa mga social media.

Kung babasehan naman ang ratings nito ay siguradong uhaw ito sa ratings ayon sa Kantar Media na makailang beses na pinataob ng ASAP 19 ang mga bumabangga sa kanila katulad ng SOP, Party Pilipinas at Sunday All Stars.

Abangan na lang natin kung may pagbabago na magaganap sa ratings game ano pa't humina ang mga programa sa Sunday Grande nang GMA.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. at nung ratings na nilabas ng Kantar last sunday.. pinaob na ng Sunday all stars ang ASAP19.

    cgurado babayaran nanaman ng ABS ang kantar para ibahin ang ratings result. hahahahah

    ReplyDelete