Loading...

Breaking News

Kathryn Bernardo nagpagalaw ng ilong, mata; mas lumakas ang sex appeal.

TODO-TODONG pagpapakilig ang napanood namin sa episode ng primetime serye na Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo last Monday. Kung fan kami ng dalawa, tiyak na kilig to the max kami sa mga eksena nila.

In fact, even my nine-year-old daughter ay nangingiti habang pinapanood nila ang mga eksena ng magka-loveteam. Prior to this, kapapanood lang din ni bagets ng first movie nina Daniel at Kathryn na “Must Be Love” sa Cinema One.

Ang laki pala talaga ng range ng fans ng Kathniel loveteam, huh! No wonder, sila ang number one loveteam ngayon. At dahil ang dami-daming tumututok sa Got To Believe kailangang bigyan ng bagong twist ang kwento.

Mas lalo kaming naengganyo na tutukan ang serye sa teaser na ipinakita sa mga susunod na episode after sumailalim sa operasyon ni  Joaquin (Daniel). Tila magkakaroon siya ng amnesia at ‘di na niya pinapansin si Kathryn.

On the other note, habang tinututukan namin ang page-emote  ni Kathryn may napansin kami na pagbabago sa mukha niya. Mas gumanda at nag-mature na ang face niya, huh! Tila nawala na ang innocence sa face niya.

Siguro nga dahil full-grown na ang pagdadalaga ni Kathryn. Mas tumangos and almost perfect na ang ilong niya ngayon. At pati mga mata ng dalaga, e, tila may nabago.

Bigla tuloy naming naalala si Angeline Quinto na umaming nagpa-ayos ng kanyang face. Isa sa ipinagawa niyang treatment sa mukha ay ang  pagpapalalim ng talukap ng mga maga.

Actually, dinig namin sandamakmak na rin ang mga artistang nagpaayos ng kanilang mata. Noon pa naman e, uso na ‘yan. And so far, wala naman tayong nababalitaan na negative effect sa mga artistang nag-undero ng ganitong treatment.

Kung may pinaayos  man si Kathryn sa face niya, in fairness, mahusay ang pagkaka-enhance, huh!  Bukod sa mas gumanda, e, mas lalong lumakas ang sex appeal niya.

Syempre, kapag nagkaroon kami ng chance na makausap si Kathryn tatanungin namin siya kung may pinaayos ba siya sa face niya.

Written by: Julie Bonifacio

1 comment: