Loading...

Breaking News

Fans ni Daniel Padilla nabwisit kay Jessica Soho, inunahan sa balita ang ABS-CBN.

Talagang sikat na sikat nga ang soap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Kasi naman, todo-follow ang fans ng dalawa at tanggol to death sila sa umaaway sa kanilang idol. At ang latest, merong spoiler na kumakalat sa social media. Ibinuking ang twist na mangyayari sa teleserye.

Sa nabasa namin, sinasabing si Juliana talaga ang nakabaril sa anak niyang si Joaquin kaya mula pagkabata ay ganoon na lang daw ang pag-aalala nito sa kanyang anak. Afraid daw si Juliana na malaman ni Joaquin na hindi si Papa Bear ang may kasalanan.

Wala rin daw amnesia si Joaquin at nakilala lang niya si Liza dahil sa mommy niya. Siya pa rin daw ang nagsu-supply ng mga painting ni Chichay. Naku, true kaya itong spoiler na ito?

A Daniel Padilla lookalike was featured in the show of Jessica Soho, si Francesca Santos.
The short featured lasted three minutes and 41 seconds. Marami ang naloka dahil kilalang ABS-CBN star si Daniel pero napiling i-feature ang female lookalike niya sa GMA.

Ayun, may mga nag-comment negatively sa ginawa ni Jessica, “Inunhan ng gma ang abs pra ung mga fans ni daniel manood kc gustong mkita kng kmuka tlga nya….hehehe. eh bkt c jake vargas hndi nila hnapan ng kmuka pra mag trend nmn,” one guy commented.

Ang feeling naman ng isa ay sumasakay lang sa kasikatan ni Daniel Padilla ang GMA at nagamit pa ang show ni Jessica.

Whatever! Hindi talaga maisnab ng Siyete ang stars ng Kapamilya dahil mas sikat ang mga ito kaysa sa mga artista nila.

Written by: Alex Brosas

3 comments:

  1. hindi ka naman masyadong bias sa lagay na yan noh?!

    ReplyDelete
  2. halatang bias. dont worry pinsan ko kamukha ni jake vargas. tska kung sikat ang daniel na yan bat ngayun ko lang nakilala? hahaha

    ReplyDelete
  3. masyado lang kasing mahina ang taga abs kya nauunahan.hahah. wawa nman

    ReplyDelete