Loading...

Breaking News

Kapamilya Teleserye "The Greatest Love" naudlot ang pagpapalabas!

Inanunsyo kamakailan lang ng ABS-CBN na magsisimula na ipalabas sa July 18 ang kapamilya teleserye The Greatest Love na pinagbibidahan nila Andi Eigenmann, Dimples Romana, Matt Evans, Sylvia Sanchez.

Ang The Greatest Love sana ang ipapalit sa nagtapos na fantaserye My Super D habang ang Minute to Win It naman ang ipapalit sa We Will Survive, pero dahil sa hindi malaman na dahilan ay mauudlot ang pagsasa-ere nito.

Mapapansin na hindi na ipinapalabas ang teaser ng The Greatest Love sa ABS-CBN at todo kayod ngayon ang Kapamilya Network sa pagpromote ng Pinoy Big Brother sa Kapamilya Gold.

Sa ngayon wala pang inilalabas na statement ang ABS-CBN kaugnay sa pagkakaudlot ng The Greatest Love.


Ang Minute to Win It - Last Man Standing na ang ipapalit sa naiwang oras ng My Super D habang ang minadaling show ng Pinoy Big Brother sa hapon ay siyang ipapalit sa nabakanteng oras ng We Will Survive.

Hindi natin masisisi ang ilang netizens na magreak sa pagkakaudlot ng The Greatest Love, sey nila natakot diumano ang ABS-CBN na itapat sa show ni Willie Revillame.

Matatandaan na dalawang programa ang napatumba ng Wowowin ang nagtapos na My Super D at We Will Survive na hindi nagawang maka-survive.

Ang The Greatest Love ay isa sa mga sulpot serye, ito yung serye na ipinalabas ang teaser at agad-agad ipapalabas na hindi napapagdesisyunan ng mabuti. Ang ending ay naudlot ito dahil sa pinagdebatahin ito ng ilang tv executive dahil sa timeslot na hindi angkop sa kalidad ng teleserye.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments