Da WHO: BALIW na Drama Actress, isinusumpa ng make-up artists at stylist!
Dalawang make-up artists at isang stylist na ang nag-resign sa isang teleserye dahil hindi nila ma-take ang topak ng bidang drama actress.
Hindi raw maintindihan ng mga ito ang gusto ng drama actress at nakikialam ito sa mga ayos nila. Tuloy sila ang napapagalitan ng head ng production.
Dahil sa ayaw naman silang pakinggan at mas naniniwala sila sa mga sinasabi ng drama actress, mas mainam na ngang mag-resign sila kesa sa makatrabaho pa ang baliw-baliwan na artista.
Kuwento ng isang make-up artist, na may requirement ang production sa kung ano ang magiging make-up at hairstyle ni drama actress. ‘Yun ang sinusunod nila, pero bigla raw nakikialam ang drama actress.
“Bigla niyang buburahin ‘yung make-up namin sa kanya. Hindi raw niya type.
“Siyempre sinasabi namin na ‘yun ang sinabi sa amin na hitsura niya. Pero ii-insist niya na hindi raw iyon. Kahit sa buhok, pinapaiba niya.
“Kaya ‘pag nakita ng director ng show ang hitsura niya, kami pinapagalitan. Ito namang si drama actress hindi nagsasalita na siya ang nagpaiba ng make-up at hairstyle niya.
“May something na itong babaeng ito. Epekto ng mga iniinom niyang mga droga yata.”
Maging ang stylist ng show ay hindi masakyan ang ugali ng drama actress. Mga dala nilang damit ang hinihingi ng production pero pinipilit ni drama actress na isuot ang mga sarili niyang damit.
Kuwento ng stylist: “Ang eksena sa bahay lang. So simpleng blouse lang or shorts or skirt ang puwede, ‘di ba? Ayaw ng babaeng baliw na ‘yan. Magsusuot siya ng pang-party, ‘yung makintab pa. Eh ang eksenang kukunan ay sa bahay at day effect. At gusto niya naka-six inch heels siya. Sino naman ang hindi maiinis sa kanya, ‘di ba?”
Dahil sa pagiging baliw ng drama actress ay wala nang gustong makatrabaho siya. Dahil nag-resign ang make-up artists at stylist ng show, pinasok ni drama actress ang sarili niyang mga tauhan.
Hinala ng mga nag-resign na sinadya ng baliw na aktres na ito na inisin sila para maipasok niya ang mga tauhan niya sa show.
“Okey lang. Siguro sila gamay na ang pagiging lukaret ng amo nila. Kami, wala kaming tiyaga sa mga ganyang artista. Hindi kami binabayaran para intindihin ang mga baliw!” talak pa ng make-up artist.
Courtesy: Abante
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments