Loading...

Breaking News

Jasmine Curtis-Smith, Sam Pinto, Bangs Garcia, Christopher de Leon at Richard Gutierrez magsasama sa serye Ang Panday!

Inaabangan ng pinoy viewers ang pagsisimula ng bagong action fantasy drama series na "Ang Panday" na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Makikipagsabayan na ang TV5 sa mga programa nang GMA at ABS-CBN simula ngayong Pebrero dahil may bagong handog sila na mga programa na tiyak aabangan.

Balik Kapatid Network ang beteranong aktor na si Christopher de Leon dahil kasama siya sa serye Ang Panday.

Tatlong leading lady ang makakasama ni Richard Gutierrez sa action fantasy na Ang Panday una na dyan ang isa sa mga TV5 Princess na si Jasmine Curtis-Smith na gagampanan ang karakter ni Eden.

Makakasama nila Jasmine at Richard ang bagong Kapatid Sexy Actress na si Sam Pinto at dating Kapamilya na si Bangs Garcia, ang dalawa ay parehong talent ng Viva Artist.

Abangan ang pagsisimula ng pinaka bagong action fantasy drama series na yayanig sa primetime simula ngayong Pebrero 29 Ang Panday 8:30pm sa TV5.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments