Loading...

Breaking News

Da WHO: Phenomenal Female Personality, may kagaspangan ang ugali!

ISA sa mga araw na ito’y magugulantang na lang ang balana sa mga pasabog laban sa isang phenomenal female personality (PFP).

And the person who will drop the bomb—bukod sa nakatrabaho na niya sa TV at pelikula—ang siyempre pa’y nakaranas ng umano’y kagaspangan niya ng pag-uugali.

Ayon daw kasi mismo sa kanya, may nakaiiritang attitude ang PFP, bagay na kinimkim lang niya habang ginagawa nila ang kanilang recent movie hanggang maipalabas ito.

Pero ngayong humupa na ang kontrobersiyang bumalot sa kanilang pelikula (may kinalaman ‘yon sa kinabog na gross receipts nito sa takilya), dumating na raw ang “tamang panahon” para ipaalam sa buong mundo ang totoong ugali ng PFP kapag wala sa harap ng kamera.

 Da who ang PFP? Itago na lang natin siya sa alyas na Sharmaine Medusa.


Written by: Ronnie Carrasco III

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

1 comment:

  1. The who??? 'tong mga showbiz writers na wala na lang ginawa kundi isakripisyo ang kredibilidad (kung meron man) para lang siraan ang isang superstar kahit na hindi naman talaga proven ang kanyang mga sources? Hoy ano ba! Ibahin niyo nga yang pag-uugali niyo. Huwag magpabayad? May honorarium ba kayo sa pinagagagwa ninyo? Grabe siya! Kilig pa more. <3

    ReplyDelete