Loading...

Breaking News

VIRAL: The Photo has Gone Viral on Social Media, the Ghost Allegedly Appeared at the Crime Scene.

Kasabay ng Araw ng mga Kaluluwa, nag-viral sa social media ang umano'y kaluluwa ng napatay na mamamahayag na nagpakita umano sa mismong crime scene sa Quezon City.

Sa larawang inupload sa Facebook, makikita ang nakabulagtang katawan ng radio broadcaster na si Jose Bernardo na binaril ng dalawang beses sa ulo.



Pero tila may kakaiba sa larawan dahil sa gitna ng mga barangay tanod na rumesponde sa nangyari, makikita ang umano'y kamukha ng biktimang si Bernardo. Paniwala ng ilang netizen, ito ang kaluluwa umano ng biktima na sinisilip ang sariling katawan.

Kwento naman ng rumespondeng barangay tanod na si Ruel Varona, kinilabutan umano nang malaman ang tungkol sa kumakalat na larawan.

"Iyun ang kulay ng buhok. Parang tumatayo ang balahibo ko kasi matangkad din iyun e," patungkol ni Varona sa umano'y multo sa larawan.

Hindi man tiyak sa nakita sa larawan, hiniling ni Varona na huwag nang pagpiyestahan ang larawan.

Anya, "Bigyan natin ng respeto, una, iyung pamilya nung biktima kasi siyempre hindi naman maganda na paglalaruan pa natin, ganoon na iyung nangyari sa kanya."

Naniniwala naman ang isa pang tanod na si Adring Bautista na posibleng minanipula lamang ang larawan.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril na napabalitang kagagawan umano ng suspek na riding-in-tandem.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments