Loading...

Breaking News

Kapuso Loveteams BiGuel, JanElmo at GabRu etsapwera at apektado sa pagsikat ng AlDub.!

Bago pa sumikat ang AlDub ang tatlong pambato loveteams ng GMA na BiGuel, JanElmo at GabRu ang ipinupush ng todo nang Kapuso Network.

Nagkaroon din ng big break ang tatlong kapuso loveteams at binigyan ito ng primetime series ang BiGuel na bumida sa Once Upon a Kiss, JanElmo na bumida naman sa More than Words  at GabRu na bumida sa Let the Love Begin pero wala kaagad follow project maliban sa BiGuel.

Kung ang GMA patuloy na tinututukan at ipinupush ang tambalang AlDub, ilang fans naman ang naalarma sa pagsikat ng ADub dahil naetsapwera ang JanElmo at GabRu Loveteam.

Hindi siguro namamalayan ng Kapuso Network na mismong kanilang network ang naapektuhan sa pagsikat ng ALDub dahil sa kawalan ng suporta sa ibang kapuso loveteams. Hindi ang ABS-CBN ang apektado dito dahil malawak ang mga fanbase ng KimXi, KathNiel, JaDine at LizQuen na pinakasikat na loveteams sa bansa.

Dapat ng maalarma ang GMA sa kanilang ipinupush na mga loveteams at handa silang suportahan ito kahit may AlDub na.

Pagkatapos buwagin nang GMA ang tambalang JanElmo dahil ang dating ka-loveteam ni Elmo Magalona na si Janine Gutierrez ay ipinareha sa ibang aktor ang GabRu naman ang sumunod na binuwag.

Binuwag na din ang GabRu dahil si Ruru Madrid ay ipanareha sa Tween Queen na si Barbie Forteza at ipinasok ito sa hit afternoon drama series na The Half Sisters bukod dyan ipinareha din sila sa Dangwa.

Tanging ang BiGuel na lang ang naiwang loveteam dahil may upcoming primetime series sila na Wish I May na ipapalabas sa 1st Quarter ng 2016.

Umaasa naman ang ilang fans na patuloy pa rin suportahan ng GMA ang tambalang Bianca Umali at Miguel Tanfelix o BiGuel.

Out na din si Marian Rivera dahil bagong endorser ng Talk n Text sina Alden Richards at Maine Mendoza mukhang pati si Marian apektado na rin.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments