Loading...

Teleserye And I Love You So magsisimula na sa Disyembre 7 sa Kapamilya Gold.

Dahil sa mababa nitong ratings tuluyan na ngang tatapusin ang seryeng Walang Iwanan na comeback teleserye ni Roxanne Guinoo dahil patuloy na namamayagpag ang Destiny Rose na pinagbibidahan naman ni Ken Chan.

Certified hit ang mga teleserye gawa ng Dreamscape Entertainment kaya naman susubukan nilang tapatan ang GMA Afternoon Prime.

Totoo kaya ang balitang ibinigay na ng ABS-CBN sa Dreamscape ang pamamahala sa Kapamilya Gold dahil ilang taon ng nagrereyna ang GMA Afternoon Prime. Kung totoo ang tsika asahan na gawang Dreamscape ang handog na mga teleserye sa Kapamilya Gold.

Mula din sa Dreamscape ang serye Doble Kara, FPJ: Ang Probinsyano at On the Wings of Love na patuloy umaariba sa ratings nationwide laban sa mga katapat nito.


Inilabas na ang teaser ng upcoming afternoon teleserye na And I Love You So na pinagbibidahan nila Dimples Romana, Tonton Gutierrez, Angel Aquino, Inigo Pascual, Julia Barretto at Miles Ocampo na ipapalit sa Walang Iwanan.

Maraming nagandahan sa teaser na inilabas ng ABS-CBN, ito na ba ang hudyat na ang gawang Dreamscape ang magpapataob sa serye Destiny Rose?

Nakatakdang ipalabas ang teleserye And I Love You So sa Disyembre 7 via Kapamilya Gold kaya naman ang tanong mag HIT kaya ito o mauwi sa pagka-FLOP lalo na't pang primetime ang kalidad nito.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments