Loading...

Breaking News

Bagong Kapamilya Star na si Elmo Magalona pinaratangan na ingrato at walang utang na loob!

Hati ang naging reaksyon ng fans at ilang kapuso sa paglipat ni Elmo Magalona sa Kapamilya Network dahil sey nila hindi naman pinapabayaan ang batang aktor ng dati nitong network.

Taong 2009 ng nagsimula si Elmo sa GMA-7 at marami na siyang programa nakasama at nagawa mula sa Family Feud, Party Pilipinas, Bantatay, Daldalita, Together Forever, Villa Quintana, Genesis, Sunday All Stars, More than Words at marami pang iba.

Nagkaroon din siya ng loveteam mula sa JuliElmo hanggang sa JanElmo na binigyan pa ng break ang kanilang tambalan ng nobyang si Janine Gutierrez.


Hirit ng ilang fans ano pa ba hinahanap nya gayun maganda naman ang ibinibigay na proyekto ng Kapuso Network sa kanya.

May ilang nalungkot sa pagkawala ni Elmo sa GMA dahil isa ito sa mga mahusay na kapuso aktor, kaya may ilang nagparatang na ingrato at walang utang na loob diumano ang batang aktor.

Maraming kapamilya din ang natuwa sa paglipat nya sa Kapamilya Network dahil sey nila tama ang naging desisyon nya na lumipat dahil puro na lang AlDub ang ibinibida ng GMA.

Dumepensa din ang ilan na nababagay siya sa ABS-CBN dahil mas lalo siyang gagaling sa pag-arte at maipapakita nya sa buong mundo ang kanyang talento sa pagkanta.

Ano kaya ang masasabi ni Elmo Magalona sa isyung ingrato at wala siyang utang na loob sa GMA.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments