Loading...

Optimum Star Claudine Barretto kumpirmadong tuloy ang pagbabalik Kapamilya Network​!

Walang magaganap na pirmahan sa pagitan ng TV5 at nang kampo ni Claudine Barretto at Viva Entertainment dahil kumpirmadong magbabalik Kapamilya siya.

Ayon kay Claudine Barretto tinanggap nya lang ang alok na teleserye ng Kapatid Network ay dahil maganda ito at bilang single mother kinakailangan nyang kumayod para sa kanyang pamilya.

Tiyak doble ang saya ng mga fans ni Clau dahil sa susunod na taon mapapanood siya sa dalawang tv station ang ABS-CBN at TV5.

Kinumpirma mismo ni Claudine Barretto sa kanyang instagram account @claubarretto na sa 2016 may offer sa kanya ang ABS-CBN. Kaya naman kumpirmadong tuloy ang pagbabalik nya sa Kapamilya Network.


Naiyak naman ang aktres sa sobrang pag-intindi ng kanyang mga fans sa naging desisyon nya na tanggapin ang alok ng TV5.

Pagkatapos ng kanyang teleserye sa TV5 kasado na rin ang pelikula nya sa Star Cinema at Viva, abangan din dahil magkakaroon din siya ng teleserye sa ABS-CBN. Huli siyang napanood sa Maalaala Mo Kaya.

Nagkasama sina Claudine at Jolina Magdangal sa serye Iglot sa Kapuso Network at balitang may hindi magandang nangyari sa nasabing serye.

Magkaayos na kaya ang dalawang aktres lalo na't nasa ABS-CBN na sila?

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

3 comments:

  1. Claudine deserves to be back po talaga esp in Teleserye because she is really a good actress, one of the best actresses actually... She is indeed the Optimum Star/Queen :-)

    ReplyDelete
  2. I missed Claudine's acting sooo much! Sana sooner na ang ABS-CBN teleserye para mapanood din siya sa overseas. Please ABS, I-push na po ang teleserye and the movie.

    ReplyDelete
  3. no matter what happen claudine is one of the finest star in kapamilya netwrk..

    ReplyDelete