Loading...

Breaking News

Kapuso Star na si Miguel Tanfelix, iniimbitahan sa Indonesia dahil sa kanyang 'Twerk It Like Miley' Video.

"Sa handler ko po, marami raw nag-e-email sa kanya na ini-invite ako sa Indonesia," 'yan ang bahagi ni Miguel Tanfelix sa kanyang 24 Oras interview nang kumustahin siya tungkol sa sumisikat niyang dubmash video ng kantang Twerk It Like Miley.

Kuwento ni Miguel, nagulat na lamang siya nang biglang mayroon nang ibang language siyang nababasa sa comments ng kanyang trending video. "'Yung followers ko [ay] puro Indonesians.


Kaya parang wow, grabe, ang bilis talaga eh," pahayag niya. Dagdag pa niya, halos 250,000 daw ang dumagdag sa kanyang Instagram followers mula nang i-upload niya ang video.

At nang malaman daw ng kanyang Indonesian fans na artista siya rito sa Pilipinas, lalo raw naging interesado sa kanya ang mga ito kaya't nakakatanggap na nga siya ng imbitasyon na pumunta roon.


WATCH: Miguel Tanfelix's 'Twerk It Like Miley' dubmash

A video posted by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments