Pilot episode ng fantasy drama series na Inday Bote waging-wagi sa ratings.!
Sabay-sabay na sinaksihan ng mga manonood ang pinakaaabangang pagbubukas ng kwento ng pinakabagong fantasy-drama series ng ABS-CBN na “Inday Bote” na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, at Alex Gonzaga.
Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Marso 16), pumalo ang pilot episode ng “Inday Bote” ng national TV rating na 18.4%, o anim na puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “My Love From the Star” (12.3%).
Bukod sa TV ratings, panalo rin naman ang “Inday Bote” sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang official hashtag nitong #IndayBoteAhWaw, at nationwide trending topic naman ang isa sa mga bida nito na si Alonzo Muhlach.
Samantala, tiyak naman na mas mapapamahal ng viewers sa pagpapatuloy ng “Inday Bote” ngayong tinupad na ng mga duwende ang kahilingan ng mag-asawang Angelo (Bobby Andrews) at Marice (Carla Humphries) na magkaroon ng anak.
Paano babaguhin ng pamilya nina Angelo at Marice ang relasyon ng mga duwende at tao? Ang magiging anak na ba nila ang makapag-iisa sa dalawang mundo? Huwag palampasin ang kapanapanabik na kwento ng pangarap at hiwaga sa “Inday Bote,” gabi-gabi, bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Inday Bote” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments