Loading...

Preview ng Pangako Sa 'Yo, trending!

Dumagsa ang mga tweets at bumuhos ang excitement matapos  na opisyal na i-launch nitong December 2 ang Pangako Sa 'Yo sa ginanap na ABS-CBN Trade Launch. Sa katunayan, naging top trending topic ito nationwide at nag-trend din worldwide.


Ipinasilip sa nasabing event ang preview ng inaabangang teleserye ngayong 2015. Bukod kila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, naging usap-usapan rin sa social networking sites ang pagpili kila Angelica Panganiban bilang Claudia Buenavista at Jodi Sta. Maria bilang Amor Powers. Marami ang natuwa sa pagpili sa dalawang aktres ngunit may ilan ding pumuna sa dalawa.



Inaabangan na rin ng mga tagahanga kung sino pa ang ibang cast na makakasama sa dekalibreng teleseryeng ito. Tutukan sa mga susunod na araw kung sinu-sino pa ang mapapabilang sa Pangako Sa 'Yo. Ang Pangako Sa 'Yo Remake ay binuo ng Star Creatives, at ididirek ni Rory Quintos.



credits:
https://www.facebook.com/ABSCBNPangakoSaYo
https://www.youtube.com/watch?v=X33k2DsGqp4&list=UUstEtN0pgOmCf02EdXsGChw

No comments