Team Head ng Unang Hirit na si Rosalee Timbad-Burgos nanganak ng walang maternity pay!
“Kabuwanan ko na, nagtatrabaho pa rin ako…
As segment producer, pumupunta pa rin ako sa field pa mag-shoot. Nararanasan kong mainitan, magutom… pero wala akong choice. Kailangan ko siyang gawin dahil no work, no pay. At wala kaming maternity leave with pay.
Noon pa man, naisip ko na actually ‘yung future ko kaya nagbabayad ako ng sarili kong Philhealth, SSS, Pag-IBIG… Pero nung nalaman kong pregnant ako, tsaka ko na-realize na hindi pala ‘yun sapat.
Natakot ako dahil alam kong kapag nag-maternity leave ako, wala naman akong makukuha sa kumpanya. Kung manganganak ako ng September at magli-leave ako ng June, hanggang July na lang ako sasahod.
At hindi na ‘yun sapat. Kailangan ko pang mag-ipon para sa gagastusin ko sa panganganak at para sa baby.
May time na inabot kami ng madaling-araw sa pag-e-edit. Kahit malaki na ang tiyan ko, kinailangan kong mag-stay sa office para tapusin ang editing.
Hindi ako makahindi sa boss ko. At nahihiya akong umalis dahil andun din siya. Hindi ko masabing pinayuhan na ako ng doktor na mag-rest na ngayon. Marahil dahil na rin sa passion ko sa trabaho at sa kultura sa network na kahit ano pa ang kondisyon mo, kailangang gawin ang trabaho.
Nakakainggit nga ‘yung iba kasi meron silang Medicard. Kung may Medicard lang sana ako, babawas na ‘yun sa isipin ko. Pero since wala nga tayong ganun, wala talaga akong choice. Kailangan ko pang magtrabaho at rumaket sa iba pang show, para lang may dagdag-income, kahit malapit na akong manganak.
Ang mas mahirap pa nito, Caesarian pa ako kaya mas malaki ‘yung gastos talaga. Masakit lang ma-realize na ‘yung lahat ng sakripisyo, lahat ng ibinibigay natin sa trabaho natin, hindi pala siya matutumbasan ng network.”
--Rosalee Timbad-Burgos, team head of Unang Hirit and segment producer of Day Off. She took a maternity leave without pay two weeks before she gave birth last August 28. Her husband is a regular employee of TV5 but the hospital is not accredited by his Medicard. She reported back to work a month later. She has been with the company for seven years.
Courtesy: Buhay Media

No comments