Loading...

Breaking News

Da WHO: Malditang Aktres, NAGMALDITA sa mga kasambahay!

KAHIT anong gawin ng mga kapanalig ng isang malditang aktres, sumisingaw ang masama nitong ugali.

Nagsusulputan pa rin ang mga kuwento ng pagmamaldita ng aktres kahit walang intensyong pag-usapan siya. Gaya na lamang ng isang babaeng nakilala namin recently.


Nabanggit kasi ng isang kaibigan namin sa umpukan ang ilang artista. Nabanggit ang pangalan ng aktres. Biglang nagseryoso ang babaeng nakilala namin at sinabing na-disappoint siya sa aktres.


Aniya, inarkila sa isang shooting ng aktres ang kanyang bahay.

Ayaw sanang ipagamit ng babae ang property niya dahil gusto niya ng privacy. Pero nakiusap ang staff ng production.Tamang-tama kasi sa hiningi ng mga eksena ang lokasyon at design ng kanyang bahay. 

Kailangan nilang matapos ang mga eksena dahil may hinahabol na playdate. Sinabi ng staff na ang aktres ang magsu-shoot sa bahay. At dahil kilala ang aktres, pumayag ang babae.

Pribado ang bahay ng babae kaya tahimik at matiwasay na nag-shooting sila roon na walang nag-uusyoso.

Bago pa man nagsimula ang shooting, ipinakilala na si aktres sa babae bilang may-ari. Pati ang mga kasambahay nito. Ramdam agad ng babae na matabang ang aktres sa kanila.

Inisip na lang niya baka pagod lang ito o wala sa mood. Tumagal nang buong araw hanggang sa magdamag ang shooting. Pansin ng may-ari, hindi pa rin nababago ang mood ng aktres.

Kahit nakikita na siya nito, hindi siya binabati. Nginingitian niya ito, dedma lang ang aktres. Nang i-approach ng mga kasambahay niya ang aktres para magpa-picture, sinabi ni aktres na magti-take pa siya. Naghintay ang mga kasambahay na maging available si aktres.


Nang mapagbigyan, na-disappoint ang mga kasambahay dahil pilit ang mga ngiti ni aktres. Mula noon, hindi na uli pinarkila ni babae ang kanyang bahay kahit malaki ang rental offer sa kanya. Mayaman siya at malaki ang kinikita ng kanyang negosyo. Hindi niya gustong makaranas ng pambabastos ng sinumang tao sa loob ng kanyang pamamahay.


Written by: Rey Pumaloy

No comments