Loading...

Breaking News

RADYO5, MULING PINARANGALAN KASABAY NG IKA-APAT NA ANIBERSARYO

Bago pa man din matapos ang taon ay nakatanggap muli ng karagdagang parangal ang Radyo5 92.3 News FM – ang nag-iisang news and talk radio station ng FM band sa buong bansa – kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-apat na anibersaryo.


Sa kabila ng pagiging baguhan sa industriya ng Radyo5, hindi maikakailang agad-agad na tumatak ang iba’t-ibang mga programa at handog nito sa publiko. Ito ay muling pinatunayan kamakailan sa pinakabagong pag-aaral ng PSRC na “Traffic Light: A Car Co-Incidental Study”, kung saan lumalabas na sa pangatlong pagkakataon at simula ng taong 2012 ay numero uno pa rin ang Radyo5 bilang most preferred radio station para sa mga PUVs.


Dagdag pa rito, ang patuloy na pagtatangkilik at pagtitiwala sa Radyo5 ng mga motoristang gumagamit ng mga taxi, FX shuttle at jeepney ay nagtala ng resulta kung saan ay pinangunahan din ng Radyo5 92.3 News FM ang mga ibang sikat na news at radio stations na kabilang sa AM band.

At bilang espesyal na pasasalamat sa mga taga-pakinig sa kanilang walang humpay na suporta sa Radyo5, at sa pagsisimula rin ng selebrayon ng ika-apat na anibersaryo ng istasyon, ay magkakaroon ng isang exciting on-air contest kung saan mamimigay ang Radyo5 ng mga malalaking papremyo!


Hanggang Nobyembre 30 tatakbo ang contest na ito, kung saan magsasama-sama ang buong puwersa ng mga paboritong Radyo5 anchors, sa pangunguna nina News5 Head Luchi Cruz-Valdes, Atty. Mel Sta. Maria, ‘Idol’ Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Danton Remoto, Cristy Fermin, at iba pa.  At para gawing mas maging kapanapanabik at kaabang-abang ang contest, ang bawat programa ng Radyo5 ay may kani-kanilang mga gimik at mechanics na kailangang sundan ng mga taga-pakinig upang manalo ng mga special gift packs.


At sa nalalapit ng pagdiriwang na Pasko, magandang pagkakataon ito para manalo ng mga espesyal na regalo mula sa Radyo5. Tumutok lamang sa lahat ng programa ng Radyo5 92.3 News FM araw-araw hanggang Nobyembre 30!

No comments