Loading...

Breaking News

Da WHO: Drama Actress, muntik bugbugin ang ‘ahas’ na Singer Actress!

Tuwing naaalala ng isang drama actress ang ginawa sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na sinungaling at babaero, kulang na lang ay ipa-salvage niya ito dahil sa sobrang sama ng loob niya rito. 

Kung hindi lang daw kasalanan sa Diyos ang tumigok ng tao kahit na wala itong kuwenta, gagawin niya iyon para lang makaganti sa lahat ng ginawang pagsisinungaling sa kanya.

Pero sa kabilang banda ay may mga nakakaaliw na eksena naman si drama actress sa kanyang ex-boyfriend. Lalo na ang isang tagpo na nabuking niyang ka-date ang isang singer-actress.

Natatawa nga si drama actress sa eksenang iyon dahil doon lang niya nalaman na mabilis palang tumakbo ang singer-actress. Daig pa raw nito ang mga snatcher sa Quiapo sa bilis nitong tumakbo kahit na naka-five inch heels ito!

“Talagang natawa ako. Imbes na habulin ko siya para sabunutan dahil nahuli ko silang nagde-date, sobrang natawa ako dahil sa bilis niyang kumaripas! Bigla na lang siyang nawala sa sobrang bilis niya.”

Kinalokah pa ng drama actress ay napanood pa niyang super-deny ang singer-actress na nakikipag-date ito sa kanyang boyfriend.

That time kasi ay wala nang communication si drama actress sa kanyang 2-timer boyfriend dahil hindi na ito sumasagot sa kanyang mga tawag. “‘Yun nga ang masakit, eh. That was the same day na nag-deny silang dalawa. Pero kinagabihan nahuli ko silang magkasama.

“They could have been discreet kasi paborito kong puntahan ang lugar kung saan ko sila nahuli. Hindi lang siya tanga, bobo rin siya sa ginawa niyang iyon,” pahayag ng drama actress.

Pero nawala ng konti ang nag-iinit niyang ulo nang makita niyang tumakbo ng sobrang bilis ang singer-actress nang makita siya.

“Sa sobrang takot niya siguro, bigla siyang naging si Flash! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa niya.


Written by Ruel Mendoza 

No comments