Loading...

Breaking News

Oh My G! na pagbibidahan nila Marlo Mortel, Manolo Pedrosa at Janella Salvador kasado na!

Pagkatapos ng Be Careful with My Heart na magtatapos na sa biyernes nobyembre 28 hindi mababakante sina Marlo Mortel at Janella Salvador dahil kaagad nila sisimulan ang bago nilang teleserye.

Isang kakaibang romantic drama series ang serye Oh My G! dahil tiyak na pakikiligin kayo dahil sa kakaibang istorya ang tatalakayin sa bagong soap ng kapamilya network.

Lumabas ang balita na sa ABS-CBNmobile lang ito mapapanuod pero tiyak na i-ere ito sa telebisyon ano pat pumatok ang loveteam ng Marnella.

Makakasama nila Marlo Mortel at Janella Salvador si Manolo Pedrosa na ipinareha sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya kaya ito ang magiging kalove-triangle ng nasabing loveteam.

Bukod dyan makakasama rin sa serye na ito sina Dominic Ochoa at Sunshine Cruz na napabalita na gaganap na Madam Claudia sa remake na Pangako Sayo pero hindi pala sya ang gaganap.

Ngayon araw din ang story con ng teleserye Oh My G! kaya naman kasado na ito.

Abangan sa 2015 ang pinakabagong romantic drama series na Oh My G!, wala pang detalye kung saang timeslot ito ilalagay pero mukhang early primetime ito dahil puno na ang timeslot ng Kapamilya Gold sa susunod na taon.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments