Loading...

Breaking News

Da WHO: Frozen delight na Aktres, ‘DIS- APPOINTED’ sa TV Network!

Dahil sa kawalan ng mga project, nagpasya ang isang aktres na mag-migrate sa Amerika dahil sa nararamdaman na disappointment sa mga nangyayari sa kanyang acting career.

Nagkaroon ng big break sa telebisyon ang aktres nang sumali ito sa isang talent search show. 

Pinapirma rin siya ng exclusive contract sa TV network na naging home studio niya sa matagal na panahon.

Ilang buwan nang walang project ang aktres kaya nawala na ang passion niya sa pag-arte. Nagtatampo rin siya dahil mas binibigyan ng mga assignment ang ibang mga aktres na kasabayan niya.

Nagdesisyon ang aktres na talikuran ang showbiz dahil hindi na siya masaya sa takbo ng kanyang acting career. Pupunta ang aktres sa Amerika para doon hanapin ang kapalaran at makapagsimula ng bagong buhay.


 Written by Jojo Gabinete 

No comments