Loading...

Breaking News

Mga programa na naudlot at naurong ang pagpapalabas ngayong 2014.

Dahil sa kawalan ng timeslot na mapapaglagyan minabuti ng GMA Network na sa susunod na taon na ipapalabas ang Primetime Drama Series na Second Chances na pinagbibidahan nila Rafael Rosell, Raymart Santiago, Camille Prats at Jennylyn Mercado.


Dahil sa nagkaroon ng malaking rigodon sa ibat-ibang kapamilya teleserye imbes ang Flordeliza ang pamalit sa magtatapos na Be Careful with my Heart minabuti ng ABS-CBN Management na sa susunod na taon na lang ito ipalabas.


Marami kasing biglang teleserye ang ini-ere kaagad katulad ng Bagito, Dream Dad at ang ipapalit sa Be Careful with my Heart na Give Love on Christmas.

Samantala ang teleserye din na Nathaniel na ipapalit sana sa serye Hawak Kamay ay naurong din na kung saan ang Dream Dad na ang papalit sa naiwang timeslot nito.


Samantala ang pagbabalik ng orihinal na artista search sa bansa na Starstruck ay sa susunod na din na taon ipapalabas matatandaan na dapat ngayon taon ito eere, pero sa halip na unahin ito ay inuna ang pagpapalabas sa Bet ng Bayan.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog


No comments