Kiko Estrada gaganap na isang "Call Boy" sa most shocking story ng Magpakailanman.
Isang lalaking nagipit ang kumapit sa patalim at nagbenta ng katawan para buhayin ang kaniyang pamilya at makapag-aral. Pero ang hindi akalain ng lalaki, mismong ang sariling ama ang magiging kostumer niya nang magkita na sila sa nagpagkasunduang motel.
Ito ang kuwento ng "call boy" na si Ramil na tila sa pelikula at telebisyon lang mapapanood pero nangyari sa tunay na buhay at mapapanood sa Magpakailanman sa darating na Sabado, Nobyembre 22.
Gaya ng ibang kabataan na nasadlak sa prostitusyon, tinanggap ni Ramil ang mungkahi ng kaibigan na pasukin ang pagiging call boy para magkapera at makapagtapos ng pag-aaral.
Bata pa lang si Ramil nang isama siya ng kaniyang ina nang iwan nito ang mister matapos na madiskubre ang tunay na pagkatao ng lalaking kaniyang pinakasalan.
Matutuklasan din ni Ramil ang tunay ng pagkatao ng ama na nawalay sa kaniya sa sandaling magtagpo na sila sa loob ng isang kuwarto sa motel... bilang kaniyang kostumer.
Paano haharapin ni Ramil ang katotohanang natuklasan tungkol sa ama?
Iyan at ilan pang mga tanong ang sasagutin ngayong Sabado sa Magpakailanman tungkol sa kuwentong pinamagatang: “Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan?
Itinatampok dito si Kiko Estrada sa kaniyang natatanging pagganap bilang si Ramil, kasama sina Hiro Peralta, at espesyal na partisipasyon si Michael de Mesa.
Ang “Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan?" ay mula sa direksiyon ni Neal del Rosario at LA Madridejos, sa panulat ni Senedy H. Que, at pananaliksik ni Loi Argel Nova.
Written by: FRJ/GMA News

No comments