Loading...

Breaking News

Da WHO: TV Network nag-offer uli ng early retirement.

Mga taga loob na mismo ng isang TV network ang nagkukuwento na hindi nila malaman kung may trabaho pa sila kinabukasan dahil sunud-sunod ang mga pagbabago at pagkawala ng mga tao (talents and staff) sa kanilang pinaglilingkurang istasyon. 


Muli umanong nag-alok ng early retirement ang management sa maraming empleyado.

Meron ding issue na hindi umano magkasundo ang dalawang top TV executive at ito’y alam mismo ng mga empleyado ng TV network.

Ang ibang talents na may natitira pang kontrata sa istasyon ay hinihintay lamang na mag-expire ang kanilang contract at sila’y aalis na rin. 

Marami-rami na ring empleyado at talents ang nalagas sa TV network at mukhang magpapatuloy pa ito sa mga susunod pang mga araw.



Written by: Aster Amoyo


No comments