Bea Alonzo at Zanjoe Marudo nagkakalabuan lang o hiwalay na?
KINUMPIRMA ng source namin na malapit kay Bea Alonzo ang tsika na hindi maganda ang takbo ng relasyon ngayon nila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo. lIang araw na raw na nagdededmahan ang dalawa.
Ngayon lang nagkaroon ng matinding away ang dalawa simula nang maging nagkasintahan sila ilang taon na ang nakararaan. May mga isyung binanggit ang source namin na naging dahilan ng patuloy na dedmahan nina Zanjoe at Bea.
Pero hindi makasagot nang diretso ang source nang tanungin namin kung totoong hiwalay na sina Bea at Zanjoe. Basta ang alam lang niya ay may matinding away ang dalawa, at dumating pa sa puntong itinapon ni Bea ang cellphone niya nang tumawag si Zanjoe.
Ayon naman sa isang ABS-CBN insider, totoong break o hiwalay na sina Bea at Zanjoe. Mismong kay Zanjoe narinig ng source namin ang sinabi nita na lumabo na ang relasyon nila ng aktres.
Pero nilinaw ng source namin sa Dos na hindi “third party” ang dahilan ng break up ng dalawa. May mga personal daw na kadahilanan na bukod tanging sina Zanjoe at Bea lang ang nakakaalam sa ngayon.
“Hindi naman nil a forever maitatago ‘yan, ‘di ba? Sooner or later aaminin din ang dalawang ‘yan kung sila pa rin ba o hindi na,” sey pa ng source namin.
(Editor’s note: Itinanong ko kay Jimi ang dahilan ng away na sinabi ng source, hindi namin puwedeng isulat.)
Written by: Jimi Escala

No comments