ABS-CBN nakapagtala ng 44% audience share at patuloy na umaariba sa ratings noong Oktubre, GMA nakakuha ng 35%.
Mas maraming manonood pa rin ang sumusubaybay sa mga programa ng ABS-CBN noong Oktubre sa buong bansa matapos pumalo ang average total day audience share nito sa 44%, o siyam na puntos ang lamang sa 35% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Napagtibay din ng ABS-CBN ang panalo nito sa primetime block (6PM-12MN) sa average national audience share na 49%, o mas mataas ng 15 puntos sa 34% ng GMA. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Hindi natibag ang Primetime Bida ng ABS-CBN sa iba’t ibang bahagi ng bansa, partikular na sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), kung saan may average audience share itong 54%, sa Visayas na may 61%, at sa Mindanao na may 60%. Ang primetime block naman ng GMA ay nakapagtala ng 32%, 26%, at 27% sa mga nabanggit na lugar.
Ang patuloy na pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime ay dahil na rin sa mga de-kalibreng mga teleserye nito, kabilang na ang “Ikaw Lamang,” na siyang numero uno sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Oktubre dahil sa average national TV rating nitong 29.7%. Wagi rin ang final episode ng “Ikaw Lamang” noong Oktubre 21 na pumalo sa national TV rating na 34.1%, o 21 puntos ang higit sa kalabang “Hiram na Alaala” (13.1%). Kinapitan din ang pagwawakas ng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” noong Oktubre 10 sa national TV rating na 27.3%, o 13 puntos na mas mataas sa katapat na “Hiram na Alaala” (14%).
Hindi rin natitinag ang bagong primetime show na “Two Wives” simula nang mag-umpisa ito noong unang linggo ng Oktubre. Panalo pa rin ito sa kanyang timeslot kahit pa nagbukas ang GMA ng bago nitong karibal noong Oktubre 20, ang “Ilustrado.” Nakakuha ang “Two Wives” ng national TV rating na 20.9% sa nasabing araw, habang may 11.5% naman ang “Ilustrado.” Napukaw din agad ng “Forevermore” ang puso ng mga manonood noong Oktubre 27 sa national TV rating na 27.1% kontra sa 12.8% ng “Hiram Na Alaala.”
Pasabog ang pagbabalik ng “The Voice of the Philippines” noong Oktubre 26 matapos itong magtala ng national TV rating na 28.3% at tinalo ang 17.2% ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Ang singing reality show din ang pangalawa, kasama ang “Hawak Kamay” (28.3%), sa listahan ng pinakapinanood na programa noong Oktubre.
Sa kabuuan ay labing-isang pwesto ang nasungkit sa ABS-CBN sa top 15 na programa sa buong bansa sa naturang buwan. Ang iba pang Kapamilya shows sa listahan ay ang “TV Patrol” (28.2%), “Wansapanataym” (27.4%), “Home Sweetie Home” (26.7%), “Forevermore” (26.6%), “Maalaala Mo Kaya” (25.9%), “Pure Love” (23.6%), “Mga Kwento Ni Marc Logan” (23.6%), “Rated K” (23.6%), “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” (22.9%), “Goin’ Bulilit” (22.1%), at “Two Wives” (20%).
Hindi rin nagpahuli sa ratings ang bagong mga handog ng ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN). Mas tinututukan ang “Da Adventures of Pedro Penduko” (12.2%) kumpara sa kalabang “Basta Every Day Happy” (5.3%) at ganoon din ang “Marcelino Pan Y Vino” (10.1%) kumpara sa “Return of the Wife” (6.7%) ng GMA.
May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.

No comments