Team Pinoy World Champs Luz McClitton at Gretchen Albaniel, ikalawang nalaglag sa The Amazing Race Philippines 2.
Ang
world-renowned female body builder na si Luz McClitton at International
Women’s Boxing Champ na si Gretchen Albaniel ng Team Pinay World Champs
ang ikalawang natanggal sa The Amazing Race Philippines – Season 2.
Sa nangyaring pit stop
eliminations noong nakaraang Sabado, nag-unahan ang natitirang 10 teams
mula sa Canyon Cove Resort sa Nasugbu patungo sa pit stop sa Basilica de
San Martin de Tours sa Taal, Batangas na nag-silbing
pit stop para sa second leg ng karera. Ang team Dating Couple na sina
Matthew Edwards at Phoebe Walker ang unang nakarating sa pit stop na
siyang nagpanalo sa kanila ng 200,000 cash prize mula sa Shell V Power
Nitro Plus. Samantala, huli namang dumating ang
team Pinay World Champs na sina Luz at Gretchen kaya naman
automatically ay natanggal na sila sa Race.
Sobrang pinag-usapan sa social
media ang nasabing episode dahil na rin sa naging maaanghang na palitan
ng mga salita nina Chen at Luz. Tinawag ni Luz ang team mate niyang si
Chen na dominante at bossy samantalang tinawag
naman ni Chen si Luz na tamad o “lazy”.
Nagreact ang mga fans sa
iba’t-ibang panig ng mundo at tinawag nga ang episode na “most shocking
at most controversial pit stop episode ever ng The Amazing Race”. Sinabi
din ng US-based website na DryedMangoez.com na
“this episode made history.” Ayon sa editor ng website, never daw
niyang napanood ang ganitong klaseng drama sa 14 years nilang pagtutok
sa buong The Amazing Race franchise.
Sa huli, ibinalita ng TV5 na
hindi pa naguusap sina Chen at Luz matapos ang kanilang pagkakatanggal
mula sa karera. Matatandaang mag-isang humarap si Luz sa press con ng
The Amazing Race Philippines –Season 2 last September
22 at mag-isa ring humarap si Chen sa viewing party para sa parehong
programa noong nakaraang October 3. Sa mga naunang interview,
matatandaang nais manalo ni Luz sa TARP para sa kanyang anak samantalang
pangarap naman ni Chen ang makapagpatayo ng sarili niyang
gym para sa mga future world champions ng bansa.
Agaran namang nagpahayag ang Kapatid network ng hangarin nitong magbati ang dalawa sa darating na panahon.
Samantala, tuloy na tuloy pa rin
ang mga exciting episodes ng The Amazing Race Philippines na mapapanood
na sa TV5 sa bago nitong timeslot, 9PM gabi-gabi simula mamaya na
susundan naman ng Wattpad Presents. Ang ‘The Amazing
Race Philippines’ ay co-presented ng Rexona at sinusuportahan ng PLDT
Home Telpad, Kia Motors, RCD Royal Homes, Summit Natural Drinking Water,
Resorts World Manila, and Shell V Power Nitro Plus.
No comments