“Trenderas” ng TV5, mag-tretrending na ngayong Sabado!
Muli na namang patutunayan ng Kapatid Network ang kanilang husay sa paghahandog ng mga kapana-panabik at kakaibang mga programa sa pamamagitan ng bago nitong musical-drama-comedy seryeng pinamagatang “Trenderas” na mapapanood na sa special 1-hour pilot telecast nito ngayong Sabado (Setyembre 13) ng 9:00PM sa TV5.
Batid ng TV5 ang pananabik ng mga manonood sa mga kuwentong tagpo sa “Trenderas” – kuwento ng mga simpleng taong patuloy na nilalabanan ang mga pagsubok ng buhay upang matupad ang kanilang mga pangarap — at lalo pang ginawang mas kakaiba ang teleserye sa pag-daragdag ng mga musikang umaawit patungkol sa pagkakaibigan, ambisyon at pangarap makamit ang tagumpay.
Bukod rito, magiging kakaiba rin ang pag-tampok ng programa sa mga iba’t-ibang sikat na awitin bilang ang mga lyrics nito ay mismong magiging dyalogo ng mga karakter—kaya’t siguradong masdadamdamin pa lalo ng mga manonood ang bawat eksena at kanta sa “Trenderas”.
Pangungunahan ang serye ng mga bagong bituin na maghahatid ng nining sa Kapatid Network – sina Isabelle de Leon (bilang Isabelle), Katrina ‘Suklay Diva’ Velarde (bilang Diva), at Lara Maigue (bilang Lara). Gaganap ang tatlo bilang matalik na magkakaibigang mga tinderang sabay-sabay na inaahon sa hirap ang kanilang mga pamilya. Marami man silang pagkakaiba sa isa’t isa, ang kanilang pagmamahal sa musika at pangarap na maging mga sikat na mang-aawit balang araw ang nagpapatibay sa kanila.
Iikot ang kwento ng programa sa kanilang unti-unting pag-abot ng kanilang mga pangarap: mula sa pagiging mga simpleng tindera patungo sa pagiging pinakabagong trending stars ng bayan – na magsisimula nang maging-viral ang isang video ng kanilang performance sa palengke!
Higit namang magiging makulay ang kwento hatid ng mga pag-gaganap ng mga batikang artistang sina Dingdong Avanzado (bilang Julio), Ara Mina (bilang Diane), at Tina Paner (bilang Veronica). Bubusugin rin ng “Trenderas” sa pag-ibig ang puso ng mga manonood sa hatid na kilig ng gwapong si Carl Guevara (bilang EJ) kina Isabelle at Lara, at ng machong si Edward Mendez (bilang Benjo) na magpapatibok naman sa damdamin ni Katrina.
Pahihirapan naman ng notoryus na Tres Malditas – K Brosas (bilang Katy), Cacai Bautista (bilang Miley) at KitKat (bilang Lady) – ang mga “Trenderas” girls at gagawin nila ang lahat mapigil lang ang tatlong bida sa pag-tupad ng kanilang mga pangarap. Kukumpletuhin nila Francine Prieto (as Viveka) at Rez Cortez (as Mother Pearl) ang mga bituing magpapaningning sa ka-abang-abang na serye.
Siguradong aabangan din ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Superstar Nora Aunor sa kanyang natatanging pagganap bilang si Celestina Cruz, isang sikat na mang-aawit na huhubog at magiging inspirasyon ng tatlong “Trenderas” girls.
Marami pang sorpresang ihahatid ang programa, kung kaya’t huwag palampasin ang grand entrance ng pinakabagong seryeng siguradong mag-tretrending sa inyong mga puso tuwing Sabado ng gabi! Mapapanood ang special 1-hour pilot premiere ng “Trenderas” tampok ang mga all-time favorite hits ng Eraserheads, Ogie Alcasid, Apo Hiking Society, Itchyworms, at Aegis ngayong Sabado (Setyembre 13), 9:00PM na susundan naman ng mga kapana-panabik na tagpo sa susunod na mga Sabado, 9:30-10:00pm sa TV5!

No comments