Loading...

Breaking News

Starlet at dating miyembro ng SexBomb na si Kristel Moreno napaiyak sa mga komento inabot nya sa social media.

Isa ang starlet at dating miyembro ng Sexbomb Girls na si Kristel Moreno ang umagaw ng atensyon sa social media dahil sa kanyang suot sa Star Magic Ball.


Samut-saring reaksyon din ang aming nabasa sa aming official fanpage na Kakulay Entertainment Blog at siya din ang nanguna sa aming listahan na Worst Dressed Celebrities.

Alam nyo ba na walang suot na underwear si Kristel Moreno ng rumampa ito sa red carpet ng Star Magic Ball 2014.

Sa panayam ng abs-cbnnews.com inamin nito na nasaktan sya sa mga panlalait at kung ano pang mga komento ipinaratang sa kanya.

"Sa totoo lang po, parang 'di ko pa siya pinapansin. Ako pa 'yung nagsasabi sa mga kasama ko, 'Hayaan niyo na, huwag niyo na pansinin,'" said Moreno, who is a member of Star Magic Batch 16.

"Pero kinabukasan, pag-uwi ko, hindi ko napigilan, eh. Kahit paano, ang sakit, naiyak talaga ako. Kasi 'yung ibang comments, parang, sobra naman. Hindi na itsura ko 'yung nilalait, pagkatao ko na, na hindi naman nila ako kakilala."


"Pag open ko, nandoon po lahat. Nandoon lahat," she said. "Okay lang 'yung sinasabi nila na may bilbil, mataba, opinyon po nila 'yun, eh. Wala naman akong magagawa."

"Sa akin lang, medyo foul 'yung iba na parang personal na masyado. Hindi na gown o hindi na itsura ko 'yung pinupuna nila," the aspiring actress added.

"Nung sumagot naman ako [sa mga komento], sabi ko, 'Sorry, kung hindi niyo nagustuhan 'yung itsura ko, pero wala kaming intensyon na...' Kasi sabi nung iba, binaboy daw 'yung Star Magic Ball," she said. "Sorry kung may nalaswaan doon sa damit. Hindi naman namin intensyon na gano'n 'yung iparating sa kanila."


"Hindi naman po ako magpapaka-plastic. Pangit naman po talaga 'yung picture na lumabas, pero hindi lang naman iyon 'yung picture," she said. "Siyempre, sa akin, ang dami naming kopya nung okay na picture, pero still, hindi ko masisisi 'yung mga tao kung 'yung pangit 'yung nakita nila."


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment: