Loading...

Breaking News

Mga artista na produkto ng talent search na Star Circle Quest na lumipat sa GMA ano ang nangyari sa kanilang career?

Malapit na bumalik ang sinasabing orihinal na artista search sa bansa ang Starstruck na mapapanuod sa GMA pero tila wala ng balak ang ABS-CBN ibalik ang Star Circle Quest.

Kahit ngayong pinagdedebatihan sa social media kung anong programa kaya ang magaling magpasikat ang Star Circle Quest o Starstruck pero hirit ng ilan nasa network ang tamang pamamalakad ng career ng bawat artista.

Pero ating himay-himayin kung asan na nga ba itong mga artista/starlet na sumali sa mga talent search na Star Circle Quest na lumipat sa GMA.

Si Hero Angeles ay naging Grand Teen Questor  sa Star Circle Quest at maraming pintuan ang nagbukas sa batang aktor noon dahil kaloveteam nya si Sandara Park.

Kaliwat kanan din ang naging proyekto nya sa kapamilya network katulad ng Victim, SCQ Reload: Ok Ako, Krystala, ASAP Fanatic at SCQ Reload: Kilig Ako taong 2005.

Pero dahil sa nagkaproblema sa Star Magic lumipat si Hero Angeles sa GMA noong 2006 at naging parte sya sa mga programang Extra Challenge, Maynila, Walang Tulugan, Dyesebel, Luna Mystika at Dear Friend: Karibal na umere taong 2009.

Pero matapos ang pagiging kapuso nya asan na nga ba si Hero Angeles? tama ba ang naging desisyon nito na layasan ang nagpasikat sa kanya.

Isa din si Joseph Bitangcol sa mga tumalon sa kabilang bakuran dahil sa kasagsagan ng kasikatan ng SCQ lumipat ito pero bago sya lumipat napasama pa sya sa mga programa SCQ Reload: Kilig ako, ASAP, Maalaala Mo Kaya, SCQ Reload: Kilig Ako, Vietnam Rose, Crazy for You, Margarita at Pedro Penduko na umere taong 2006.

Taong 2007 naging kapuso si Joseph at marami syang naging programa katulad ng Maynila, Babangon ako at Dudurugin kita, Saan Darating ang Umaga, Luna Mystica at Totoy Bato. Mula naman sa TV5 naging parte sa taong 2010 ng mga programang Star Confessions, Babaeng Hampas Lupa at Loko Moko

Pero pagkatapos noon ay hindi na nakita ang aktor sa dalawang network pero sa halip taong 2012 at 2013 ay napasama sya sa programang Maalaala Mo Kaya, pero dahil umalis sya sa poder ng Star Magic hindi na sya nabigyan pagkakataon ibalik ang sigla ng kanyang career dahil maraming talents ang dapat unahin ng Star Magic.

Sa batch nila, si Roxanne Guinoo na ang maraming proyekto dahil sa taong 2004 hanggang 2010 ay marami syang programa ginawa sa kapamilya network katulad ng Palos, Gulong ng Palad, Crazy for You, Wowowee, Natutulog ba ang Diyos, Florinda, Lastikman, Banana Split, Flash Bomba, May Bukas Pa, Ligaw na Bulaklak at marami pang iba.

Pero taong 2012 ay nagkaroon sya ng dalawang programa sa TV5 samantala sa taong 2013 ay naging parte sya sa kapuso network ng mga programang Home Sweet Home at Pyra pero pagkatapos nito ay wala ng balita sa kanya.

Taong 2004-2006 ay namalagi si Michelle Madrigal sa ABS-CBN pero sa kanyang batch sa SCQ sya ang unang lumipat sa GMA.

Ang programang Kamandag taong 2007 ang unang naging proyekto ni Michelle sa GMA at sunod-sunod na ito na hanggang ngayon ay namamayagpag ang kanyang career at hindi nawawalan ng proyekto.

Mula sa mga programang Obra, Luna Mystika, Zorro, Dyesebel, Tempatation of Wife, Captain Barbell, Genesis, Adarna, Carmela, The Half Sisters, Ang Dalawang Mrs.Real ay ilan lang sa mga proyektong ginawa nya. Sya na ang maituturing matagumpay na lumipat na produkto ng SCQ na hanggang ngayon ay may career pa.

Samantala si Sandara Park ay mas pinili bumalik sa bansang Korea at ngayong nga ay sikat na sikat ito at may ilan din na produkto ng SCQ na hanggang ngayon ay maganda ang career sa kapamilya network katulad nila Jason Abalos, Arron Villaflor at Erich Gonzales.

Samantala si Joross Gamboa ay may kasalukuyan programa ang Home Sweetie Home at ang upcoming drama series na Ilustrado.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments