Da WHO: Aktor nagbebenta ng laman sa isang website
May isang website ngayon kung saan parang karneng hilaw na ibinebenta
nang por kilo ang mga kilalang male personalities.
Puwedeng may alam tungkol du’n ang ibang hunk actors na pinapangalanan at may retrato, puwede rin namang wala, dahil sino ba naman ang magpapakapal ng mukha na itinda ang itsura nila sa isang website?
Isang beki ang sumasagot sa mga naiintrigang magtanong, may bank account diumano itong ibinibigay sa mga interesado, pagkatapos nu’n ay saka pa lang magkakaharap nang personal ang kliyente at ang aktor na napili nito sa listahan.
May isang hunk actor na nakalarawan du’n, meron siyang pangalan siyempre, beinte mil ang sinasabing presyo ng lalaki para sa isang panandaliang kaligayahan.
Peke ‘yun, sabi ng mga nakakita, dahil alam nila kung paano rumaket ang nasabing hunk actor. Mataas ang kanyang presyo, bukod du’n ay bilmoko pa ang aktor, talagang pipigain niya nang husto ang beki bago niya hiwalayan.
Sabi ng isang source, “Nu’ng sila pa ni ____(pangalan ng dating gay benefactor ng hunk actor), halos linggo-linggo silang nagsa-shopping! Matindi ang lalaking ‘yun, pasusukahin niya talaga ang beking patay na patay sa kanya.
“Umuuwing luhaan ‘yung bading na mayaman, wala kasi siyang nabiling kahit ano para sa sarili niya, grabe kasing magpabili ng mga branded stuff ang mhin!
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
“At heto pa. Pagdating nila sa shopping mall, e, sasabihin niya sa beki, ‘Lumayo ka sa akin, kunwari, hindi tayo magkasama. Baka kasi matsismis tayo.’
“Pero kapag bayaran na, siya pa mismo ang lalapit sa mayamang beki. ‘Yun ba ang natatakot ma*tsismis na meron siyang gay benefactor?” kuwento ng aming impormante.
Nagtagal ang kanilang relasyon. Blinded by love ang mayamang beki. Hanggang sa isang araw ay magising na lang ito sa katotohanan na sukong-suko na ito sa husay magpaikot ng hunk actor.
Isang matinding bangungot ‘yun para sa madatung na beki. Para kasing kulisap ang hunk actor na kapag inatake ang isang malawak na bukirin ay walang inaani ang magsasaka.
Hugutin natin ang pangalan ng nasabing hunk actor sa pangalan ng isang madisyertong bansa na iniiwasang pagtrabahuhan ng mga OFW.
Written by: Cristy Fermin

No comments