Loading...

Breaking News

Honor student ng PUP, susubukan ang swerte sa ‘Who Wants To Be A Millionaire?’

Susubukan ng 21-year-old instructor at PUP honor student na si Floramante Sir John Don King Howard Ponce III ang kanyang swerte para maging ika-anim na milyonaryo ng bossing ng mga game shows na ‘Who Wants To Be A Millionaire?’ ngayong Linggo (Agosto 17) sa TV5.

Kilala bilang Howie ng kanyang mga kaibigan, nagtapos siyang Summa Cum Laude sa kursong B.S. Sociology mula sa Polytechnic University of The Philippines. 


Dahil nga sanay siya sa pagiging achiever, hindi niya ipinaalam sa kanyang pamilya ang kanyang pag-aaudition sa ‘Who Wants To Be A Millionaire?’ dahil sa kanyang takot na masawing-palad. Ito rin ang rason kung bakit muntikan na siyang mag-back out sa game show matapos ipaalam sa kanya ng Kapatid network na natanggap siya sa audition.

Si Howie na kaya ang magiging pinakabagong milyonaryo sa ‘Who Wants To Be A Millionaire?’, tutukan yan ngayong Linggo, 7:00PM sa TV5 bago ang ‘Quiet Please! Bawal Ang Maingay’

No comments