Loading...

Breaking News

Bagong Gameshow ni Richard Gomez na "Quiet Please! Bawal ang Maingay" umani ng mataas na ratings sa TV5.

Wala pa ring kupas ang charm ng heartthrob na si Richard Gomez habang pinapanood namin siya sa kanyang bagong comedy game show sa TV5, ang “Quiet Please! Bawal ang Maingay” na nag-simula last Sunday lang.

Maganda ang desisyon ng management ng Kapatid Network na kumuha ng isang tried-and-tested at professional game show host tulad ni Goma, at halatang-halata namin na nag-e-enjoy siya bilang host ng nasabing game show.

Natutuwa rin kami for Goma dahil nabalitaan namin ang malaking success ng kanyang comeback show dahil more than favorable ang nakuhang ratings ng pilot episode ng “Quiet Please!”.

In fact, ayon sa aming malapit na source, hinigitan pa raw nito ang ratings ng mga dating programang matagal ng nasa time slot nito sa TV5—bongga diba?! Tulad namin, marami rin palang natuwa sa simple ngunit kakaiba at exciting na konsepto ng “Quiet Please!” kung saan bawal mag-ingay ang mga contestants habang gumagawa ng kung anu-anong mga challenges gamit ang mga ordinary household items.


Bukod rito, masasabi rin naming patok ang tambalan nina Goma at ng komedyanteng si K Brosas bilang magco-host sa programa. Sa napanood namin sa pilot episode ay swak na swak na agad ang chemistry nilang dalawa, at sa totoo lang, very refreshing tingnan ang kakaibang pairing nila.

Aabangan muli namin ang second episode ng “Quiet Please!” ngayong Linggo na base sa mga nakita naming mga teasers ay mga nagse-seksihang celebrities naman ngayon ang bibida at pagbabawalang mag-ingay sa programa.

No comments