Loading...

Breaking News

Richard Gomez host sa comedy game show na “Quiet Please! Bawal ang Maingay” na magsisimula sa August 10.

Hindi pala sa Kapuso Network gaya ng naiulat namin nuon kundi sa Kapatid Network ang punta ni Richard Gomez para pasayahin ang ating mga kapatid viewers.

Certified Kapatid Talent na ngayon ang aktor at host na si Richard Gomez at this time hindi isang drama ang kanyang gagawin kundi isang comedy game show na tiyak na kagigiliwan ng mga pinoy.

Simula sa August 10 (Linggo) mapapanuod na natin si Goma sa TV5 dahil magsisimula na ang comedy game show na “Quiet Please! Bawal ang Maingay”.

Makakasama ni Richard Gomez ang komedyanteng si K Brosas bilang co-host nito sa programang “Quiet Please! Bawal ang Maingay”.

Abangan ang mga bagong kapatid na sina K Brosas at Richard Gomez sa comedy game show na “Quiet Please! Bawal ang Maingay” simula na ngayon Agosto 10 sa oras na 8pm sa TV5.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments