Loading...

Breaking News

PBB Housemate Loisa Andalio huling huli tinutukan ng kutsilyo si Manolo, sigaw ng netizens dapat syang patawan ng Forced Eviction.

Nagbubulag bulagan ba ang pamunuan ng Pinoy Big Brother at totoo kayang may pinapaboran itong mga housemates.

Usap-usapan ngayon sa social media partikular ang facebook, twitter, forum at mga blogs ang ginawang panunutok ni PBB housemate Loisa ng kutsilyo sa kapwa housemate na si Manolo kahit nagbibiruan pa ito.

Hindi bat nasa rules ito ng Big Brother mula sa Endemol na dapat sundin ang mga batas sa loob ng bahay ni kuya pero bakit parang nagbubulag bulagan lang ang mga ito.

Sabihin natin na nagbibiruan sila pero dapat managot parin si Loisa dahil kitang kita sa video na pinulot nya ang kutsilyo sabay tutok sa kapwa housemate na si Manolo.

Sa ngayon wala pang statement na inilabas ang Pinoy Big Brother ukol sa isyung ito na kinasasangkutan ni Loisa Andalio mapapatawan nga ba ito ng force evict o tuloy parin ang pagpapakatotoo nya sa bahay ni kuya yan ang dapat pakaabangan.

Hati ang opinyon ng netizens dahil sey nila hindi magandang ehemplo sa kabataang pinoy ang ginawa ni Loisa at huwag daw ito tularan, dagdag pa kung hindi daw umalis si Manolo baka daw may masamang mangyari sa binata.




For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments