Loading...

Breaking News

Dahil walang pagpapahalaga at respeto Kapuso Hunk Actor Aljur Abrenica gusto na kumalas sa GMA7.

Ngayon hapon July 24 nagtungo ang kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica sa Quezon City Hall of Justice upang maghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA kasama si Atty. Ferdinand Topacio.

Sey ni Aljur gusto na nya magpa-release sa GMA Network para ipawalang bisa ang kontrata nya sa nasabing istasyon matatandaan na hanggang 2017 pa ito magtatapos.

Pinag-isipan ng mabuti ni Aljur ang desisyong ito dahil inyong mapapansin puro na lang katawan at paghuhubad ang ginagawa nya sa bawat proyekto na kung tutuusin ay magaling naman sya umarte kumpara nuon, tila hindi sya pinapahalagahan ng kanyang network.


Narito ang hinanain at paliwanag ni Aljur Abrenica sa kasong isinampa nya.


Ako po yung huling tao na magdedesisyon na malagay sa ganitong kalagayan pero po eh dahil po hindi po ako nabibigyan ng pagpapahalaga at respeto sa career na gusto ko.

Sana, ang masasabi ko lang po, na sa kabila ng lahat, ang dasal ko lang po ay matutunan ng magkabilang panig... "At ipinagdarasal ko rin po na pagkatapos po nito ay magkaroon pa din po ng magandang relasyon ang dalawang panig, dahil hindi ko po makakalimutan ang pinagsamahan namin."

Ang masasabi ko nga ay ayoko nga po sanang umabot sa ganito dahil hangga't maari ay gusto ko pong ayusin. "Pero with the guidance ng mga taong nasa paligid ko, with the guidance po ng mga magulang ko, at mula po sa Panginoon, ay kinailangan ko na pong pumunta sa hukuman."

Alam ko naman po yung mga maaaring mangyari, alam ko naman po yung mga posibleng mangyari. Pero para po sa akin, e, worthy po, worthy yung gagawin ko ngayon kasi bilang seryosong aktor at musikero po, marami pa po akong gusto.

Kumbaga lahat naman po tayo gusto nating mapabuti po tayo, for good cause naman po at marami po tayong gustong matulungan, marami po tayong gustong marating. 
At sa akin pong nakikita, 'di na po nag-aakma, nagtutugma ang direksiyon na gusto nila para sa akin at direksiyon na gusto kong puntahan para sa career ko."

Ibinuking din ni Aljur na gusto ng kanyang manager na ang title ng kanyang album ay bastos na ni sa panaginip ng aktor hindi nya ito ma-imagine.

Sey pa nya

Para akong bold actor sa tingin nila. Saan ka nakakita ng manager na ang gustong title ng album ko ay ‘Nota’?

May naglabasan din tsismis na ang dahilan sa pag-alis nya ay si Kylie Padilla na kung saan dati nyang nobya how true ito at may espekulasyon din na totoo ang tsismis nuon na balak na nya lumipat sa ibang network.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments