Loading...

Breaking News

GMA7 "Carmela" ginaya sa isang Rated X Movie mula sa Mexico na may titulong "Malena".

Ayon sa isang fan page na Kapamilya News ginaya lang diumano ng GMA7 ang upcoming drama series ni Marian Rivera na Carmela sa  isang Rated X Movie mula sa Mexico na may titulong "Malena".

Ipinagmalaki ng writer na si Suzzette Doctolero na orihinal ang teledrama Carmela pero bakit may naglalabasan na ginaya lang ito sa Malena.

Narito ang isang post mula sa fan page na Kapamilya News na ibinuking na ginaya lang ito.

 GMA7's "Carmela" (former title Catarina) Ginaya lamang sa isang Rated X Movie mula sa Mexico na may titulong "Malena".
Matatandaang Pinagmamalaki ito ng GMA7 Management dahil sa ito raw ay "ORIGINAL" nilang likha at wala pang nakagagawa ng kaparehong story.

Ang Kwento ng Malena ay patungkol sa Magandang Dalaga na kinaiinisan sa kanyang lugar ngunit isang lalaki ang iibig sa kanya at susundan sya ng palihim,Storyang kaparehong-kapareho ng sa serye ni Marian Rivera.
Ayon pa sa mga nakapanuod ng mga teasers nito ay malaki rin ang pagkakahawig ng mga ito.

Ang "Carmela" ay inaasahang makakatapat ng "The Legal Wife" na pinararatangan ng mga kapusong ginaya naman raw sa "Temptation of Wife" ni Marian na isang remake lang din naman sa isang Koreanovela.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. Italian movie yung original, hindi Mexican. Monica Belluci is Italian.

    ReplyDelete