Loading...

Breaking News

Boy Golden, Pedro Calungsod at Kaleidoscope World mga pelikulang nangulelat sa MMFF 2013.

Kung ang mga pelikulang My Little Bossing, Kimmy Dora, Pagpag at Girl Boy Bakla Tomboy ay pinipilahan at tumabo sa takilya meron naman pelikulang nilangaw at hindi kumita.

Kahit humakot ng awards ang 10,000 hours ay nasa panglimang pwesto ito at base sa datos ng MMFF umabot na ito sa mahigit 139 million pesos.

Pero ang nakakaawa ay ang tatlong pelikula na nangulelat sa takilya nasa pang anim na pwesto ang Boy Golden na kumita lang ng 74.2 million pesos mataas ito kaysa sa dalawang pelikula.

Nakakagulat ang sinapit ng dalawang pelikula dahil halos langawin na ito sa mga sinehan dahil walang nanunuod, kumita ang pelikulang Pedro Calungsod: Batang Martir mahigit 3.5 million na nasa ika-pitong pwesto samantala ang pelikulang Kaleidoscope World ay nakapagtala ng 2.9 million.

Tila hindi naging maganda ang pagsalubong ng 2014 ng mga kasali sa tatlong pelikulang ito pero kapansin-pansin na ang dalawang pelikula na Pedro Calungsod at Kaleidoscope World ay pinagbibihan ng mga kapuso stars.

Pero sa kabuuan naging matagumpay ang taunang Metro Manila Film Festival.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments