Loading...

Breaking News

Chito Miranda, Marian Rivera at Megan Young nanguna sa "2013 Top Celebrity Searches in Yahoo Philippines".

Kamakailan lang ay naglabas ang Yahoo Philippines ng listahan ng 2013 Top Celebrity Searches in Yahoo Philippines at nanguna sa listahan si Ms.World 2013 Megan Young.

Si Ms.World 2013 Megan Young nga ang nanguna sa listahan at sinusundan naman ito ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at nasa pangatlong pwesto naman si Chito Miranda na pinagpyestahan ang kanyang video sa mga social networking sites.

Tanging si Miley Cyrus lang ang nakapasok na hollywood star na nasa pang apat na pwesto at nasa ikalimang pwesto naman si Wally Bayola na kung saan pinagpyestahan din ang kanyang sex video sa social media.

Nasa pang anim ang kapamilya aktres na si Cristine Reyes habang nasa ika-pitong pwesto si Maja Salvador na sinusundan naman ni Anne Curtis.

Nasa pang siyam na pwesto si Angel Locsin at ika sampu naman ang beauty queen na si Ariella Arida wala sa Top 10 sina Kim Chiu, Kris Aquino at Manny Pacquiao.

Narito ang kumpletong listahan sa "2013 Top Celebrity Searches in Yahoo Philippines".

1. Megan Young
2. Marian Rivera
3. Chito Miranda
4. Miley Cyrus
5. Wally Bayola
6. Cristine Reyes
7. Maja Salvador
8. Anne Curtis
9. Angel Locsin
10. Ariella Arida

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments