Loading...

Breaking News

Arjo Atayde at Alex Gonzaga bibida sa Pinoy Adaptation na "Pure Love"

Sina Arjo Atayde at Alex Gonzaga nga ang bibida sa pinoy adaptation na "Pure Love" at bukod sa kanila ay may isa pang kapamilya aktres na makakasama nila.

Matatandaan na ipinalabas sa ABS-CBN ang koreanovela Pure Love aka 49 Days at maraming tumangkilik nito dahil maganda ang istorya nito.

Sa interview kay Arjo Atayde ay ibinahagi nya na wala syang kaalam alam sa nasabing korean drama series.

"Nakakatuwa, kasi alam ko na marami ang nakakapanood ng Pure Love noong ini-air pa lang ito sa ABS-CBN. Wala akong clue na makakasama ako sa local adaptation nito," revealed Arjo, who recently won Best Supporting Actor (Drama) in the 2013 Star Awards for TV for his role in the afternoon soap Dugong Buhay.

Next year ipapalabas ang Pure Love na balitang ilalagay sa Kapamilya Gold at kung si Dianne ang gagampanan ni Alex Gonzaga malamang isa pang malaking aktres ang kukunin para sa karakter na Ysabelle.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments