Loading...

Breaking News

Ryza Mae Dizon binugahan ng juice at sinabihan pa ng malandi, Producers ng The Ryza Mae Show ipinatawag ng MTRCB.

Naalarma ang pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil sa hindi angkop sa mga bata ang naganap na insidente sa childstar na si Ryza Mae Dizon.


Sa programang Eat Bulaga na kung saan may insidenteng binugahan ni Vic Sotto ang child star na si Ryza Mae Dizon sa isang portion ng naturang programa.

May mga nagsasabi na hindi magandang tingnan para sa isang matanda na bugahan ang isang bata ng inumin mula sa kanyang bibig sa kasagsagan ng pananghalian.

At sa programa naman na The Ryza Mae Show ay may insidente na sinabihan ng isang nanalo sa isang promo nila na Look Up na malandi itong si Ryza Mae Dizon. Kaya naman marami ang nagtaas ng kilay ng sabihin iyon ng isang babae sa host na si Ryza, walang nagawa ang programa na iedit ang eksenang iyon sa halip ay ipinalabas pa ito.

Kaya naman pinatawag ng pamunuan ng MTRCB ang producers ng The Ryza Mae Show para mabigyan linaw at maalarma sila na may mali sa kanilang programa ipinalabas.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments