Loading...

Breaking News

Balik-tambalan ni Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa Oktubre na!

Sa darating na oktubre na nga ang bagong show na pagtatambalan ni Dingdong Dantes at Rhian Ramos. Ito ay ang "GENESIS", na unang inilabas na title ay "EXODUS". Ito ang much-awaited balik-tambalan ng dalawang star.

Kakaibang show ang ilalabas na ito ng GMA7. Dahil ito na siguro ang kauna-unahang BIBLE-serye na gagawin ng network. Ito raw ay tatalakay sa end of times na ang ilang eksena ay hango sa bible. Kailangang maging sensitibo dito ang mga writers at direktor dahil maaari silang mapuna ng kahit sino.


Pero kung totoo nga na ang istorya ng "GENESIS"(na alam naman nating lahat na ang Genesis ang unang libro sa bible) ay hango sa bibliya, ito na ang ikalawang pagkakataon ng GMA Network na maglalabas ng sensitibong tv program at nauna na nga rito ang My Husband's Lover.

Makakasama din sa palabas na ito sina TJ Trinidad, Carlo Gonzales at Betong. At ang mga direktor nito ay sina Bb. Joyce Bernal at Mark Reyes.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments