Loading...

Breaking News

TV5, muling palalakasin ang Sunday Program!

Ngayong Setyembre madaming programa ang ihahain ang TV5 lalo na sa Sunday Line-up nila na halos puro pelikula ang umeere ngayon. Wala pang programang ipinapalit sa nagtapos na Talentadong Pinoy. Kaya't ngayong Setyembre 15 ay sabay-sabay ieere ang mga bigating programa ng TV5.




Kaya't asahan na ang mas masayang panonood tuwing Linggo sa TV5. Ito ang ilan sa mga ihahain nilang bagong programa.

Isa sa mga bagong programa ng TV5 ay ang muling pagbabalik ng Wow Mali sa bagong pamagat nito na Wow Mali Pa Rin mas masaya, mas magulo at mas maraming sorpresa simula ngayong Setyembre 15 alas-8 ng Gabi.

Ang muli ring pagbabalik ng Who Wants To Be A Millionaire at ngayon ay Season 10 na ito. Mas magandang twist, mas magandang life line at mas nakakabang tanungan. Simula na ngayong Setyembre 15 alas-6 ng gabi.


Ang muli ring pagbabalik ng Pinoy Explorer kung saan may makakasama ng iba't-ibang artista sa bawat pag-explore ni Aga Muhlach sa buong mundo. Kaya't abangan ang mas masaya, mas malaking biyahe. Simula na ngayong Setyembre 15 alas-5 ng gabi.

Isa pa sa bagong programa ay ang Franchise Program na Killer Karaoke na ihohost naman ni Michael V. Kaya't mas nakakalokang kantahan na may twist at mas magulo. Simula na ngayong Setyembre 15 alas-6 ng Gabi.

Kaya't ito na ang bagong Line-up ng TV5 tuwing Linggo Simula Setyembre 15.

LokoMoko-12:00-1:00
Sine Ko 5 Linggo-1:00-2:30
Sine Ko 5 Linggo-2:30-4:00
Istorifik: Pidol's Kwentong Funtastik-4:00-5:00
Pinoy Explorer-5:00-6:00
Killer Karaoke-6:00-7:00
Who Wants To Be A Millionaire Season 10-7:00-8:00
Wow Mali Pa Rin-8:00-9:00
Sine Ko 5 Primetime-9:00-10:45

Kaya't sabay-sabay nating tutukan ang bagong Sunday Line-up ng TV5 simula Setyembre 15 na kung saan may Pambatang Kwento, Travel Show, 2 Game Show, at Gag Show. 

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog




No comments