Loading...

Breaking News

Primetime Bida, mas lalong pinapabongga!

Mas pabobonggahin ang Primetime Bida dahil sa isa-isa na nilang pinapalitan lahat ng programa nila. Una na diyan ay ang Huwag Ka Lang Mawawala na pinalitan ng Got To Believe.

Ngayon namang Agosto 30 ay magtatapos na ang Koreanovelang That Winter, The Wind Blows at papalitan na ito ng isang Teleserye ng ABS-CBN ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Susundan naman yan ng Muling Buksan ang Puso na eere lang ng 13 weeks o 1 season lang. Hanggang October 4 na lamang ito at papalitan ito ng isang remake na programa ang Maria Mercedez.

Sunod naman na magwawakas ay ang Juan Dela Cruz na hanggang Nobyembre 1 na lang at papalitan na ito ng pinakahihintay na Fantaserye ng ABS-CBN ang Galema: Anak ni Zuma.

Kaya't mas lalong gaganda ang ating Primetime Bida.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog






No comments