Loading...

Breaking News

TV5 no.2 istasyon sa Naga City, CDO, Gen.Santos City at Dagupan, GMA7 nangulelat sa Visayas at Mindanao!

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin ng mga netizens ang datos na inilabas ng AGB Nielsen Media Research Philippines sa buwan ng Mayo 2013 dahil nangulelat ang kapuso network sa Visayas at Mindanao ito kasi ang pinagkukunan ng network ng kanilang tv ratings.

Nanguna ang GMA Network sa buwan ng Mayo sa metro manila nakapagtala ito ng 34% laban sa ABS-CBN na 33% ang nakuha at 17% naman ang nakuha ng kapatid network.

Pero ang nakakagulat na rebelasyon ay nangulelat ang GMA7 sa Dagupan City nasa no.3 lang ito at nakakuha ng 10% laban sa pumapangalawa na TV5 na nakapagtala ng 19% at numero uno parin ang ABS-CBN na umabot sa 38%.







Pumunta naman tayo sa Bicol Region na kung saan nanguna ang ABS-CBN sa Metro Naga at nakapagtala ito ng 40% at nasa pangalawa ang TV5 na nakakuha ng 12% at panghuli naman ang GMA7 na umabot sa 9% lang ang nakuha.

Sa Cagayan de Oro City naman namayagpag ang ABS-CBN at umabot sa 37% at nasa ikalawang pwesto ang TV5 na nakapagtala ng 27% laban sa GMA7 na 16% lang ang nakuha.

Sa General Santos City naman mas pinakatutukan ang ABS-CBN at umabot naman ito sa 37% laban sa TV5 na 36% ang nakuha isang pursyento lang ang lamang ng dos at nangulelat naman ang GMA7 at nakapagtala ng 14% na ratings.


Send me your Invites: Kakulay Blog is open for invitation from any of your events Interviews, Product Launch, Press cons, Music, Movies or Product Reviews kindly send me email at kakulayblog@mail.com

No comments