Loading...

Breaking News

Pilot episode ng Huwag Ka Lang Mawawala nakapagtala nang 27.1% laban sa Mundo Mo’y Akin 15.1%.

Inabangan ng mga kakulay natin ang pagsisimula nang Huwag Ka Lang Mawawala ito ang teleserye comeback ng tinaguriang Queen of Pinoy  Soap Opera na si Ms.Judy Ann Santos Agoncillo.

Hindi lang ito pinag-usapan sa mga social networking sites kundi inabanan din ang pilot episode nito sa telebisyon na napapanuod sa abs-cbn primetime bida.


Kakaibang teleserye ito dahil dahil may layunin ang programa ito at may isang advocacy sa ating mga kababaihan na nangangailangan ng tulong para malaman nila na may karapatan sila magreklamo kung sa tingin nila ay hindi na tama ang ginagawa ng kanilang asawa.

Kakaibang putahe ang inihain saatin ng kapamilya network kaya naman ayon sa pinaka latest tv ratings na inilabas ng Kantar Media nakapagtala ang pilot episode nito nuong June 17 ng 27.1% laban sa Mundo Mo’y Akin na nakakuha ng 15.1% na ratings.

Abangan ang bagong tapatan ng dalawang programa kaya asahan din sa mga darating na araw na magbabago ang takbo ng ratings dahil maiinit ang mga eksena sa dalawang programa.

Send me your Invites: Kakulay Blog is open for invitation from any of your events Interviews, Product Launch, Press cons, Music, Movies or Product Reviews kindly send me email at kakulayblog@mail.com

No comments