Loading...

Breaking News

Romantic drama series na "Be My Lady" magtatapos na sa Nobyembre 25.

Kumpirmadong magtatapos na ang hit daytime drama series na Be My Lady na pinagbibidahan nila Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na napapanood sa PrimeTanghali bago mag Its Showtime.

Huling tatlong linggo na lang sa ere ang serye Be My Lady na tinutukan ng kapamilya viewers at matagumpay itong magpapaalam.

Ang Be My Lady ang pumalit sa serye Ningning at dahil pumatok ito sa pinoy viewers naextend ng na-extend ang serye nang DanRich.

Dito din sumikat ang kantang "Tatlong Bibe" na kinanta ni Phil (Daniel Matsunaga) at dahil pumatok ito nagkaroon ng ibat-ibang version ang netizens na nag viral sa social media.


Dalawang kapuso shows ang pinataob ng Be My Lady una na dito ang Princess in the Palace at Calle Siete na hindi manlang nagtagal sa ere.

Umabot sa mahigit sampung buwan sa ere ang Be My Lady katumbas ng tatlong season nagsimula ito noong Enero 18 at nakatakdang magtapos sa darating na Nobyembre 25.

Sa pinaka latest na tv ratings na inilabas nang Kantar Media nitong Nobyembre 3 nakakuha ang Be My Lady ng 15% laban sa 11% na ratings ng Trops mula sa GMA.

Abangan ang mas lalong umiinit na mga eksena sa huling tatlong linggo ng teleserye Be My Lady bago mag It's Showtime sa ABS-CBN PrimeTanghali.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments