Loading...

Breaking News

Queen of All Media na si Kris Aquino balik telebisyon via "Kris at Duterte" sa TV5.

Inanunsyo ni Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang official instagram account @kriscaquino ang pagbabalik nya telebisyon.

Pitong buwan siyang hindi nakakapag host sa telebisyon kaya naman masayang ibinalita ni Kris sa kanyang followers na ipapalabas na ang kanyang one on one interview sa mahal nating Pangulo na si Rodrigo Duterte.


Abangan ngayong biyernes Nobyembre 11 sa oras na 4:30pm ang "Kris at Duterte" na mapapanood sa Peaople's Television at TV5.

May mga fans at followers din ang natuwa sa magandang ibinalita ng kanilang idolo pero may ilan din ang nalungkot dahil hindi nila ito mapapanood dahil walang PTV at TV5 na available sa kanilang lugar.

Marami din ang nagtatanong kung hindi na siya matutuloy sa GMA Network at sa TV5 na mapapanood at makikipagsapalaran si Kris Aquino.

True nga ba na magiging bahagi siya ng TV5 news department na kung saan malakas ang Kapatid Network, papasokin na ba niya ang mundo ng news and public affairs?



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments