Loading...

Breaking News

Ogie Alcasid at Janno Gibbs sabay na lilipat sa ABS-CBN?

BIG fan. Iyan ang sinabi ni Janno Gibbs kung bakit namataan siya sa “Pasalamat” concert ng Ang Probinsyano last weekend.

Very vocal at active raw kasi ang singer-actor sa pagbibigay ng feedback sa serye ni Coco Martin sa kanyang Instagram account kaya’t naimbitahan siya ng production staff to watch the said concert.


Inakala kasi ng marami na baka very soon ay lilipat na rin ng ABS-CBN si Janno, na nagbalita ring under contract pa siya sa TV5 hanggang next year. 

Well, matagal nang “fan” si Janno ng mga shows ng ABS-CBN. Nu’ng minsan namin itong makausap, napaka-vocal pa nito sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa Your Face Sounds Familiar na type na type sana niyang salihan noon.

Well, ilang buwan na lang din naman at 2017 na, baka naman sabay pa silang lumipat sa ABS-CBN ng kanyang BFF na si Ogie Alcasid na mukhang pinag-iisipan na rin ang pag-ober da bakod dahil malapit nang matapos ang kontrata niya sa Singko.

Written by: Ambet Nabus

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments