Loading...

Breaking News

Comedy drama series na 'Calle Siete' magbababu na sa Oktubre 21.

Mukhang tatapusin na nang TAPE at GMA Entertainment ang daytime drama series na Calle Siete na pinagbibidahan nila Eula Valdez, Christian Vasquez at Ryzza Mae Dizon dahil may bagong putahe silang ihahain sa mga loyal kapuso viewers.


Kung tama ang impormasyon na aming nakalap ay sa darating na linggo Oktubre 21 magbababu sa ere ang GMA Drama Calle Siete.

Nagsimula ang Calle Siete noong Hunyo 13 at magtatapos sa Oktubre 21 sa makatuwid umabot ito ng mahigit apat na buwan sa ere katumbas ng mahigit isang season.

Ang balita namin na ipapalit sa Calle Siete ay ang bagong proyekto ng Thats My Bae na pinangungunahan nila Kenneth Medrano, Joel Palencia at Miggy Tolentino na kung saan sila mismo ang bida sa seryeng ito.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments